l

Friday, February 17, 2006

What's goes up must come down.

*inaamin ko, hindi ko gusto ang mga blog na puro kwento ng mga nangyayari sa buhay nila ang laman. Hindi naman sa hindi ko gusto, pero preferred ko ang English posts, mas napa-practice ko kasi ang sarili ko. Pero hindi ko alam kung kaninong kaluluwa ang sumapi sa akin at magkukwento ako at magtatagalog*

******

Pinagsisisihan ko na ang pagtakbo ko sa pagiging muse ng batch at pag-vovolunteer na maging muse ung classroom. Pinagsisisihan ko na ang kakapalan ng mukha ko.

Nagpractice kami ng prom kanina at kahapon. Siyempre, special mention ang mga muse. AT, huli akong rarampa. Sosyal. Pero naisip ko, i don't deserve my title (mahirap i-tagalog 'to ha). Hindi naman sa napapangitan ako sa sarili ko, maganda ako kaya nga lang MAS MARAMING MAS MAGANDA kesa sakin (ayon nga sa isang teacher, hinayupak ka!).

Ayos lang yan, gwapo naman escort ko eh.

******

Nanood kami ng nanay ko ng Close To You. Hindi ko alam kung bakit, pero nanay ko lagi ang kasama ko manood ng mga pinoy-feeling-teeny-bopper na pelikula. Nakakatuwang isipin na mas kinikilig pa siya kesa sakin.

Pango pala si Sam Milby, pero gwapo pa rin siya. Salamat sa kanya at naliwanagan ang mundo ko na hindi lamang sa isang aspeto ng pagmumukha masusukat ang kagandahan.

Platonic.

Natutuwa ako sa word na platonic. Narinig ko sa katabi ko sa sinehan habang ineexplain nya sa girlfriend niya. Hindi ko alam i-define etong salitang eto, pero alam ko kung ano ibig-sabihin nito. Wirdo. Ang tanga naman nung syota, absent ata yun nung tinuro sa kanila yung "root words". Ang galing noh, may mga salita na alam mong gamitin at alam mo ang ibig-sabihin pero hindi mo mabigyan ng depenisyon.

******

Sinundo kami ng tatay ko. Para akong sumasakay sa isang drag racer na maraming ka-racing. Nakakatakot pero masaya.

Kumain ako ng French bread, first time. Matigas pala yun, pwedeng palo-palo pag naglalaba. Nakakatuwa, panget lasa.

Sa kaunaunahang pagkakataon, narinig ko ang tatay ko na sabihing magandang-lalaki siya. *iiiwwww*. Minsan talaga pag nakikinig ako sa usapan ng mga magulang ko, pakiramdam ko nasa isang reality show ako. Biruin mo ba naman, nagbibilangan sila kung sinu-sino ang mga may gusto sa kanila.


reality-based Shits heard over 8:33 PM

0 Bougainvillea Bloomed:

Post a Comment

<< Home